Jologs

Yeah (yeah)
Marahil ay iniisip mo kung anong klaseng awitin
Ang iyong maririnig (ang iyong maririnig)
Isang kakaibang awiting hango (awiting hango)
Sa kwento ng mga tao (sa kwento ng mga tao)
Mga tao na kung tawagin ay

(Jologs!) Kami na kung tawagin ay mga
(Jologs!) Taong hindi katulad ng iba
(Jologs!) Sila na kung tawagin ay mga
(Jologs!) Kaya mo bang maging tulad nila?
(Jologs!) Kami na kung tawagin ay mga
(Jologs!) Taong hindi katulad ng iba
(Jologs!) Sila na kung tawagin ay mga
(Jologs!) Sana'y huwag mong husgahan sa mata

Jologs kami na kung tawagin
Ng mga taong 'di kayang harapin ang salamin (harapin ang salamin)
At mabuhay ng makulay kahit kape't tinapay lang (kahit kape't tinapay)
Ang pagkain mo at ang hapunan mo'y kalamay (hapunan mo'y kalamay)
Ang ibig kong sabihin ay halika nga dito (halika nga dito)
At makinig ka sa'kin at nang sa ganon ika'y maniwala (at nang ika'y maniwa-)
Sa mga sinasabi ko nang malaman mo (nang malaman mo ang)
Ang dahilan kung bakit ang pantalon ko ay maluwang (pantalon na maluwag)

Kasi wala naman akong pambili ng mga 'to (pambili ng mga 'to)
'Di ko naman kailangan ng makintab na relo (ng makintab na relo)
Wala nang pamasahe, sumasabit na lang sa jeep (sumasabit sa jeep)
Kayang matulog sa papag, mainit at masikip (mainit at masikip)
Ang mga pinapasukan na eskinita sa trabaho (mga pinapasukan)
Hindi sumisimangot, may maamoy man na mabaho (mga namamasukan)
Ganyan kaming mga taong hindi marunong magtago (ganyan kaming mga tao)
Kung ayaw namin ay ayaw namin (kung ayaw namin) kami na kung tawagin ay mga

(Jologs!) Kami na kung tawagin ay mga
(Jologs!) Taong hindi katulad ng iba
(Jologs!) Sila na kung tawagin ay mga
(Jologs!) Kaya mo bang maging tulad nila?
(Jologs!) Kami na kung tawagin ay mga
(Jologs!) Taong hindi katulad ng iba
(Jologs!) Sila na kung tawagin ay mga
(Jologs!) Sana'y huwag mong husgahan sa mata

Bakit (bakit) ka umiirap sa amin?
Pero mas pangit (pangit) pa ang kasama mo
Makapal lang ang wallet (wallet)
"Bili mo ko n'yan, bili mo ko n'yan" ang sinasapit (ang sinasapit)
Para sa paglakad, lagi nang nakakapit (nakakapit)
Hindi kami mga sumasamba sa piso (sa piso)
Kuntento na sa galunggong na pinirito (na pinirito)
'Pag bumili 'di na humihingi ng resibo (resibo)
Laging nakatawa kahit na walang pustiso (ha!)

Ganyan ang mga nakakasama ko sa'min (sa amin)
Kumapit ka nang mabuti kapag humangin (medyo mahangin)
'Pag may inuman ay 'di mo pwedeng awatin ('wag mong awatin)
Kasi 'di uso sa amin ang mahiyain (ang mahiyain)
Kaya bago pa matapos ang aking awit (ang aking awit)
Isipin mo nang malalim mga ginamit (mga ginamit)
Na salita para sa amin ay lumapit (ilapit)
Kami na kung tawagin ay mga

(Jologs!) Kami na kung tawagin ay mga
(Jologs!) Taong hindi katulad ng iba
(Jologs!) Sila na kung tawagin ay mga
(Jologs!) Kaya mo bang maging tulad nila?
(Jologs!) Kami na kung tawagin ay mga
(Jologs!) Taong hindi katulad ng iba
(Jologs!) Sila na kung tawagin ay mga
(Jologs!) Sana'y huwag mong husgahan sa mata

Mga taga-Malate, kami na kung tawagin
Ay mga jologs, mga jologs
Mga taga-Quiapo, kami na kung tawagin
Ay mga jologs, mga jologs
Mga taga-Paranaque, kami na kung tawagin
Ay mga jologs, mga jologs
Mga taga-Pasay, kami na kung tawagin
Ay mga jologs, mga jologs

Mga taga-Q.C., kami na kung tawagin
Ay mga jologs, mga jologs
Mga taga-Valenzuela, kami na kung tawagin
Ay mga jologs, mga jologs
Mga taga-Pasig, kami na kung tawagin
Ay mga jologs, mga jologs
Mga taga-Binangonan, kami na kung tawagin
Ay mga jologs, mga jologs, ha!



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link