Ako'ng Nagkamali
Kawawang Candida
Kawawang Paula
Si Tony ang kawawa
Nabilibid ng 'di oras
Nawalan pa ng trabaho
Ngayon Miss Marasigan
Gusto mo pang maitago
Ang baho niyong magkapatid?
Itsi-tsismis ko sa lahat
Ikakalat ko ang baho niyo
Mababalitaan ng lahat
Ang paglalamyerda ng iyong kapatid
Nang buong magdamag
Ano'ng sinasabi mong nagbalik kaagad?
Hindi nagbalik kaagad, nagsinungaling ako
Alas tres na ng umaga nang umuwi si Paula
Candida!
Hinintay ko siya, nakatayo ako rito
Tangka ko talagang murahin siya!
Ngunit nang dumating, dahan-dahang umakyat sa hagdanan
Tumindig lang diyan, hindi nagsalita
At ang itsura niya, ang itsura niya'y hindi ko malilimutan
Tama na, Candida.
Paano ko malilimutan ang itsura ng mukha niya?
Tama na sabi!
At natalos ko noong ako ang may sala
Ako ang masama, ako ang sumira sa buhay ni Paula!
Ipasok mo siya sa loob.
Sandali!
Gusto niyong malaman kung saan siya nanggaling?
Sa'n siya nagpunta? Ano'ng ginawa niya?
Tama na Candida!
Ako'ng nagkamali!
Ako'ng nagkasala sa aking kapatid.
Ako'ng nagtulak sa kanyang lumakad.
Ako'ng may gusto mangyari'ng nangyari
Alam niyo kung bakit?
Dahil sa dyes mil dolares!
Inisip ko kasi ang aking kinabukasan
Inisip kong hindi ko na kaya ang kahirapan
Ayoko nang makipagtawaran sa palengke!
Magtago sa kobrador!
Maputulan ng tubig at ilaw!
At para doon lang!
Para sa bente mil pesos!
Isinubo ko ang kapatid ko!
Itinulak ko sa malaking kahihiyan!
At ngayong alam niyo na
Ipagpaumanhin niyo
Masama'ng aking pakiramdam
Kawawang Paula
Si Tony ang kawawa
Nabilibid ng 'di oras
Nawalan pa ng trabaho
Ngayon Miss Marasigan
Gusto mo pang maitago
Ang baho niyong magkapatid?
Itsi-tsismis ko sa lahat
Ikakalat ko ang baho niyo
Mababalitaan ng lahat
Ang paglalamyerda ng iyong kapatid
Nang buong magdamag
Ano'ng sinasabi mong nagbalik kaagad?
Hindi nagbalik kaagad, nagsinungaling ako
Alas tres na ng umaga nang umuwi si Paula
Candida!
Hinintay ko siya, nakatayo ako rito
Tangka ko talagang murahin siya!
Ngunit nang dumating, dahan-dahang umakyat sa hagdanan
Tumindig lang diyan, hindi nagsalita
At ang itsura niya, ang itsura niya'y hindi ko malilimutan
Tama na, Candida.
Paano ko malilimutan ang itsura ng mukha niya?
Tama na sabi!
At natalos ko noong ako ang may sala
Ako ang masama, ako ang sumira sa buhay ni Paula!
Ipasok mo siya sa loob.
Sandali!
Gusto niyong malaman kung saan siya nanggaling?
Sa'n siya nagpunta? Ano'ng ginawa niya?
Tama na Candida!
Ako'ng nagkamali!
Ako'ng nagkasala sa aking kapatid.
Ako'ng nagtulak sa kanyang lumakad.
Ako'ng may gusto mangyari'ng nangyari
Alam niyo kung bakit?
Dahil sa dyes mil dolares!
Inisip ko kasi ang aking kinabukasan
Inisip kong hindi ko na kaya ang kahirapan
Ayoko nang makipagtawaran sa palengke!
Magtago sa kobrador!
Maputulan ng tubig at ilaw!
At para doon lang!
Para sa bente mil pesos!
Isinubo ko ang kapatid ko!
Itinulak ko sa malaking kahihiyan!
At ngayong alam niyo na
Ipagpaumanhin niyo
Masama'ng aking pakiramdam
Credits
Writer(s): Raymundo Cipriano P Cayabyab, Rolando S. Tinio
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.