Bakasyonista

Naaalala ko pa
Ang sabik na nadarama
'Pag sasapit na ang Mayo, alam kong nandito ka
Magbabakasyon, makikita ka na

Kahit na 'di mo napapansin (napapansin)
Bata lang, tingin mo noon sa 'kin (noon sa 'kin)
Hindi mapigilan ang sarili (sarili), pilit ang papansin
Mapasulyap ka lang (mapasulyap ka lang) nang nakangiti

Hindi pa rin nagbabago aking pagtingin
Mula noong tayo ay bata pa
Hindi pa rin naglalaho aking damdamin
Para sa 'yo, hanggang ngayo'y ikaw pa rin

At ngayon, nandito ka na (dito ka na)
Abot-langit ang aking kaba (aking kaba)
Parang kahapong alaala (alaala), ilang taon na ba?
Pareho pa rin (pareho pa rin) ng nadarama

Hindi pa rin nagbabago aking pagtingin (ang pagtingin)
Mula noong tayo ay bata pa (bata pa)
Hindi pa rin naglalaho aking damdamin (ang damdamin)
Para sa 'yo (para sa 'yo), hanggang ngayo'y ikaw pa rin

Mga alaala nating bata pa
Dito sa puso at isip ko, 'di mabura
Parang tadhana nang magkita tayong muli
Sana 'storya natin ay hindi pa huli

Hindi pa rin nagbabago aking pagtingin (ang pagtingin)
Mula noong tayo ay bata pa (bata pa)
Hindi pa rin naglalaho aking damdamin (ang damdamin)
Para sa 'yo (para sa 'yo), hanggang ngayo'y ikaw pa rin (ikaw pa rin)

Hindi pa rin nagbabago aking pagtingin (ang pagtingin)
Mula noong tayo ay bata pa (bata pa)
Hindi pa rin naglalaho aking damdamin (ang damdamin)
Para sa 'yo (para sa 'yo), hanggang ngayo'y ikaw pa rin



Credits
Writer(s): Yeng Constantino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link