Tahimik

Sabi nila'y duwag daw ang katulad kong
Hindi maamin ang nadarama para sa katulad mo
Pero 'di ba mas matapang ang umibig nang 'di naghihintay
Ng kapalit, at ng sukli, kahit sobra ang ibinigay?

Tatahimik na lang at mamahalin kita
Kahit na masakit, hindi na iimik pa
Mabuti nang hindi mo na lang malaman
Kaysa marinig ko sa 'yong
'Di mo kayang mahalin ang katulad ko
Tatahimik na lang ang pag-ibig ko
Para sa 'yo
Para sa 'yo

Kulang ko na lang sabihin, "Ako na ang martir ng taon"
Pero 'di nila maintindihan na okay na 'ko sa gano'n
Ang umibig at lumuha para sa isang tulad mong
Kahanga-hanga, kaibig-ibig, kahit wala namang napapala

Tatahimik na lang at mamahalin kita
Kahit na masakit, hindi na iimik pa
Mabuti nang hindi mo na lang malaman
Kaysa marinig pa sa 'yong
'Di mo kayang mahalin ang katulad ko
Tatahimik na lang ang pag-ibig ko
Para sa 'yo

Ah, ah, ah, ah (ah, ah, ah)
Oh-oh-oh, oh-oh-oh-oh-oh, oh-oh-oh-oh
Whoa-oh-oh, whoa-oh-oh (ah, ah, ah)
Whoa-oh-oh, oh-oh-oh-ooh, oh-oh-oh-oh-oh
Oh-ooh-whoa-oh, whoa-oh-oh

Pero 'di ba mas matapang ang umibig nang 'di naghihintay
Ng kapalit, at ng sukli, kahit sobra ang ibinigay?

Tatahimik na lang at mamahalin kita
Kahit na masakit, hindi na iimik pa
Mabuti nang hindi mo na lang malaman
Kaysa marinig pa sa 'yong
'Di mo kayang mahalin ang katulad ko
Tatahimik na lang ang pag-ibig ko
Para sa 'yo (ah, ah, ah, ah)

Tatahimik na lang



Credits
Writer(s): Yeng Constantino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link