Pagpaparaya

Sasayangin pa ba ang oras?
Hahawakan pa ba ang 'yong kamay?
Mayro'ng maliwanag na bukas
Masayang naghihintay, whoa, oh

Bibitawan na
Huwag na natin paasahin pa
Kung 'di rin natin kayang panindigan
Humingi na lang ng tawad sa hangganan
At tuluyan na tayong magpaalam

Bibilangin pa ba ang luha?
Sisilayan pa ba ang paglubog
Hindi na darating ang tawanan
Tama ang iyong kutob (tama ang iyong kutob, whoa), oh

Bibitawan na
Huwag na natin paasahin pa
Kung 'di rin natin kayang panindigan
Humingi na lang ng tawad sa hangganan
At tuluyan na tayong magpaalam

Ah, 'di ko alam pa'no ba napunta
Ah, sa saliwang daan
'Di ko inasahan na patawarin mo
'Di ko sinadya

Bibitawan na
Huwag na natin paasahin pa
Kung 'di rin natin kayang panindigan
Humingi na lang ng tawad sa hangganan
At tuluyan na tayong magpaalam

At tuluyan na tayong magpaalam
At tuluyan na tayong magpaalam



Credits
Writer(s): Yeng Constantino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link