Kulang

Iniisip mo na 'di ka, hindi ka sasapat
Dahil sa gusto niyang babae, 'di ka, 'di ka makatapat
Balingkinitang katawan, balat na parang porselana
Ngiting nakakasilaw, mata niyang umiilaw

At ikaw, simpleng babae lang
Ngunit alam mo bang

Wala sa 'yong kulang, kulang, kulang
Wala sa 'yong kulang, kulang, kulang
May makakakita sa tunay mong ganda
Basta alam mo sa loob ng puso
Wala sa 'yong kulang, ah, ah-ah-ah-ah
Kulang, ah, ah-ah-ah-ah

Ninanais mo na sana, sana magbago pa
Wala namang masama kung para, para sa 'yo lang talaga
Pero kung para sa iba, dahil nais mong makita
Baka makalimutan mo ang katotohanan

Na ika'y simpleng babae lang
Ngunit alam mo bang

Wala sa 'yong kulang, kulang, kulang
Wala sa 'yong kulang, kulang, kulang
May makakita sa tunay mong ganda
Basta alam mo sa loob ng puso
Wala sa 'yong kulang, ah, ah-ah-ah-ah
Kulang, ah, ah-ah-ah-ah

Oh, huwag mo nang pahirapan pa
Ang puso mo, 'di kailangang mag-iba
Tumingin ka sa taas, bubukas ang iyong mata
Kung sino ka talaga

Wala sa 'yong kulang, kulang, kulang
Wala sa 'yong kulang, kulang, kulang (ayy, yeah)
May makakakita sa tunay mong ganda
Basta alam mo sa loob ng puso
Wala sa 'yong kulang (ah, ah-ah-ah-ah)
Kulang (ah, ah-ah-ah-ah)

May makakakita sa tunay mong ganda
Basta alam mo sa loob ng puso
Wala sa 'yong kulang



Credits
Writer(s): Yeng Constantino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link