Haligi

Ang tagal na nating magkasama
'Di pa rin tayo nagsasawa
Kahit walang ginagawa
'Di nababagot kahit nakatulala

Minsan, naiinis 'pag nag-aaway
Pero wala, 'di makapaghintay
Mag-usap kahit tungkol saan
Sige, away-bati, pero lagi lang nandiyan (nandiyan)

Kahit na anong pagsubok pa
Ang madaanan natin, walang pipigil sa 'tin
Kahit bumagyo o umulan
Sa pagsasama natin, walang pipigil sa 'tin

Oh (oh), haligi ang pag-ibig ko (ko)
Haligi ang pag-ibig ko (ko)
Haligi ang pag-ibig, haligi ang pag-ibig
Haligi ang pag-ibig ko

At lagi tayong nangangarap
Na tayo ay maglalakbay
Kahit na sa'n pa mapunta
Ang mahalaga, lagi lang kasama ka (kasama ka)

Kahit na anong pagsubok pa
Ang madaanan natin, walang pipigil sa 'tin
Kahit bumagyo o umulan
Sa pagsasama natin, walang pipigil sa 'tin

Oh (oh), haligi ang pag-ibig ko (ko)
Haligi ang pag-ibig ko (ko)
Haligi ang pag-ibig, haligi ang pag-ibig
Haligi ang pag-ibig ko

Matibay (oh, whoa)
Kadamay (oh, whoa)
Hahawakan ko lagi ang iyong kamay
Magkasama lang maglalakbay

Kahit na anong pagsubok pa
Ang madaanan natin, walang pipigil sa 'tin
Kahit bumagyo o umulan
Sa pagsasama natin, walang pipigil sa 'tin

Oh (oh), haligi ang pag-ibig ko (ko)
Haligi ang pag-ibig ko (ko)
Haligi ang pag-ibig, haligi ang pag-ibig
Haligi ang pag-ibig ko

Haligi ang pag-ibig ko, oh
Haligi ang pag-ibig ko, oh
Haligi ang pag-ibig, haligi ang pag-ibig
Haligi ang pag-ibig ko



Credits
Writer(s): Yeng Constantino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link