Ganito

Ang pag-ibig ay 'di lang pakiramdam
'Pag tumatagal, lalong dapat alagaan
At kung 'di mo kaya na s'ya'y mawala
Kung iniisip mo kung paano ipapakita

Ganito, ang kanyang kamay ay hawakan mo
Na parang hawak mo ang buong mundo
Ang pangalan n'ya ay tawagin mo
Kung pa'no sinisigaw ng iyong puso at kaluluwa
Wala nang mas mahalaga, yakapin ang dinarama
Nang lubos, at kung ayaw mo na s'ya'y maglaho
Mahalin mo s'ya nang ganito

Hindi kailangan ng magagarang salita
'Paalam mo lang, pinipili mo s'ya araw-araw
At kung 'di mo kaya na s'ya'y mawala
Kung iniisip mo kung paano ipapakita

Ganito, ang kanyang kamay ay hawakan mo
Na parang hawak mo ang buong mundo
Ang pangalan n'ya ay tawagin mo
Kung pa'no sinisigaw ng iyong puso at kaluluwa
Wala nang mas mahalaga, yakapin ang dinarama
Nang lubos, at kung ayaw mo na s'ya'y maglaho
Mahalin mo s'ya

Kaya mo bang tumabi sa kanya
Kahit 'tulak ka n'ya palayo?
Samahan s'ya sa madilim n'yang mundo
Para lang ipakita na 'di s'ya nag-iisa dito, whoa-oh

Ganito, ang kanyang kamay ay hawakan mo
Na parang hawak mo ang buong mundo
Ang pangalan n'ya ay tawagin mo
Kung pa'no sinisigaw ng iyong puso at kaluluwa
Wala nang mas mahalaga, yakapin ang dinarama
Nang lubos, at kung ayaw mo na s'ya'y maglaho
Mahalin mo s'ya nang ganito, ooh

Nang ganito (nang ganito, nang ganito, nang ganito)



Credits
Writer(s): Nica Del Rosario
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link