Dahilan

Sinubukan ko namang itago pero hindi nagbabago
Ang nadarama sa t'wing kasama ka, sigurado ang puso
Gusto ko lang naman iklaro kung tayo na hanggang dulo
Nagtatanong kung bakit napakasakit
Na ika'y ginugusto kong makasama sa eksena

Hinahamon ang tadhanang nakatakda sa atin
'Di pinapansin ang sinasabi ng mundong ginagalawan
Ano'ng batayan ng tamang pag-ibig?
Ayoko nang mag-isip 'pag kalakip ay problema
Basta ang alam ko lang

Masaya, malungkot (ikaw ang dahilan)
Matuwa, mayamot (ikaw ang dahilan)
Hindi alam ang sagot (ikaw ang dahilan)
Ikaw ang dahilan

Hanggang sa dapit-hapon (ikaw ang dahilan)
Bukas o kahapon (ikaw ang dahilan)
Taon-taon at ngayon (ikaw ang dahilan)
Ikaw ang dahilan

Ikaw ang dahilan, whoa-oh, whoa-oh
Ikaw ang dahilan (dahilan)
Ikaw ang dahilan (ikaw lang), hmm
Ikaw ang dahilan

Kung kaya lang naman iplano at ihanda na ang puso
Sa pang-aabuso, 'di pa natututo
Ikaw pa rin sa 'kin ang taong mahalaga (ikaw pa rin)
Nagdadala ng ngiti sa mga labi (oh-oh)
Hinulog ka ng langit para makamit ang puso kong ito

Masaya, malungkot (ikaw ang dahilan)
Matuwa, mayamot (ikaw ang dahilan)
Hindi alam ang sagot (ikaw ang dahilan)
Ikaw ang dahilan (ikaw na)

Hanggang sa dapit-hapon (ikaw ang dahilan)
Bukas o kahapon (ikaw ang dahilan)
Taon-taon at ngayon (ikaw ang dahilan)
Ikaw ang dahilan

Ikaw ang dahilan
Sa 'king puso ay ikaw ang dahilan
Ikaw ang dahilan
Ikaw ang dahilan

Sawa na sa mga pangakong 'di natutupad
At ang pag-ibig ay hindi pwedeng agad-agad, oh
Kung, kung kinakailangan kong ipaglaban
Kaya kong subukan, alam mo 'yan

Masaya, malungkot (ikaw ang dahilan)
Matuwa, mayamot (ikaw ang dahilan)
Hindi alam ang sagot (ikaw ang dahilan)
Ikaw ang dahilan

Hanggang sa dapit-hapon (ikaw ang dahilan)
Bukas o kahapon (sana'y alam mo na ikaw lang ang)
Taon-taon at ngayon (hinahanap ng puso ko)
Ikaw ang dahilan, ikaw ang dahilan

Ikaw ang dahilan, whoa-oh, oh-whoa-oh
Ikaw ang dahilan
Ikaw lang, ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang dahilan (ikaw lang)
Ikaw ang dahilan



Credits
Writer(s): Jeric Medina
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link