Duyan

Ooh, ooh, ooh
Yeah, hey, whoa

Parang may ulap sa 'king mga paa
T'wing 'mumulat aking mga mata
Mamasdan ang 'yong pagkahimbing
Ang iyong paghingang kay lambing

At paggising ay maghawak-kamay
Yumakap ka't tayo'y sumayaw kasabay
Ng ritmo, kumpas at pintig
Ng tugtog dito sa 'king dibdib

Ako ay iduyan mo
Ang bisig mo'y unan ko
Dahan-dahang kumakampay
Habang nakadantay
Magkayakap sa bawat imbay

Ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na 'kong nanaisin pa
Kundi ang makapiling ka
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mo

Parang musika ang naririnig
T'wing mahal kita'y mamumutawi sa iyong bibig
Pabulong mo pang sinasambit (sinasambit)
Tila bumabagal ang bawat saglit

Nakailang hiling na rin sa t'wing darating
Ang dumadalaw na bulalakaw
Kung maaari bang dumating
Ang tulad mo't magmistulang araw
At magbigay ng sigla
Ngayon, sa buhay ko'y nar'yan ka na

Ako ay iduyan mo
Ang bisig mo'y unan ko
Dahan-dahang kumakampay (oh)
Habang nakadantay (oh)
Magkayakap sa bawat imbay

Ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na 'kong nanaisin pa (oh)
Kundi ang makapiling ka (oh)
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mong

Pakiramdam ay langit
Iingatan ko hanggang sa kahit
Tayo'y tumanda na at lumipas na
Pag-ibig ay niningas pa
Ngayon at kailan pa man

Doo-roo-roo-roo-roo
Da-ra-da, whoa
Oh, whoa, oh, whoa, oh, whoa

Ako ay iduyan mo
Ang bisig mo'y unan ko
Dahan-dahang kumakampay (oh)
Habang nakadantay (oh)
Magkayakap sa bawat imbay

Ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na 'kong nanaisin pa (oh)
Kundi ang makapiling ka (oh)
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mo, whoa

Oh, duyan mo



Credits
Writer(s): Thyro Alfaro, Yumi Lacsamana
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link