Tagu-Taguan

Umagang kay dilim, dito wala pa ring
Nagbago, magbabago, oh
Sa pag-ikot ng mundo, naiiwan na ako
Hilo, hinto, oh

Tagu-taguan
Ako ba'y nakikita?

'Di na magigising, 'di na matutulog
Ano ang sagot?
'Di na lumilipad, 'di na mahuhulog
Dito lang ako, oh
Hanapin mo ako

Pagbilang ng tatlo, ako'y magtatago
Sa mundo, sa 'yo, oh

Tagu-taguan
Wala na akong makita

'Di na magigising, 'di na matutulog
Ano ang sagot?
'Di na lumilipad, 'di na mahuhulog
Dito lang ako, oh
Hanapin mo ako

Puno na ng tanong
Sa kalungkutan ay nakipaglaro
At pagbilang ng sampu
Dapat ay makapagtago ako
Isang oras na sa dilim, walang nakatingin
Dalawang mata'y nanatiling nakapiring
Atat lumabas at sa taas makahiling
Apat na bakas ng bulong sana'y dinggin

Nanglilimahid, pawisan galing sa giyera
Animo'y walang kahera dahil walang kwenta
Pasulong ay 'di na alam, laging paurong
Pumipito sa kawalan, baka may tumulong
Hagilapin sa tamang ruta ng gubat
Nasakop na ng awa, luha, at sugat
Ang siyang mga nalunod sa karagatan ng hamon
Tiyak sa pangsampu na bilang, tayo ay makakaahon, tara

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso
Nasa'n na ako? Nasa'n na ako?
Pumikit, lumiit ang mga anino
Hanapin mo ako, hanapin mo ako

'Di na magigising, 'di na matutulog
Ano ang sagot?
'Di na lumilipad, 'di na mahuhulog
Dito lang ako, oh (dito lang ako)

'Di na magigising, 'di na matutulog ('di na nagigising)
Ano ang sagot? (Oh)
'Di na lumilipad, 'di na nahuhulog ('di na mahuhulog)
Dito lang ako, oh
Hanapin mo ako



Credits
Writer(s): Nica Del Rosario, Mat Olavides, John Mark Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link