Hingang Malalim

Tahimik ang aking paligid
Pati ang aking isip
Walang diwang kumukuliglig

Malinaw, singliwanag ng araw
Ang daang aking tinahak
Ang mundo'y aking kasayaw

Mga pangarap na natupad
Mga panaginip na naging katotohanan
Naghabol at umakyat
Ngunit ang lakbay ay mahaba pa, at ako'y hinihingal

Kay layo ng linakad ko upang makarating
Sa kung saan ako nakatayo ngayon
Kailangan mo nang huminto, parating na ang dapit-hapon
Manalangin, magpahinga, pumikit, hingang malalim

Alaala, nagbibigay ng ginhawa
Kapag ang bukas ay puno ng
Anino ng kawalan

Mga pangarap na natupad
Mga panaginip na naging katotohanan
Naghabol at umakyat
Ngunit ang lakbay ay mahaba pa, at ako'y hinihingal

Kay layo ng linakad ko upang makarating
Sa kung saan ako nakatayo ngayon
Kailangan mo nang huminto, parating na ang dapit-hapon
Manalangin, magpahinga, pumikit

At pagdating ng bukang-liwayway
Babangon, maghahanda, at lahat ay ibibigay muli

Kay layo ng linakad ko
Whoa-whoa, ooh-ooh, whoa-oh-oh

Kay layo ng linakad ko upang makarating
Sa kung saan ako nakatayo ngayon
Kailangan mo nang huminto, parating na ang dapit-hapon
Manalangin, magpahinga, pumikit, hingang malalim



Credits
Writer(s): Nica Del Rosario
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link