Pitong Segundo

Alam mo ba ang dahilan ng aking pagngiti?
Sa t'wing ikaw ay daraan, ako'y 'di mapakali
Iniisip kung dapat bang kumaway o magkubli
Ngunit bigla ko na lang nalimutan ang salitang timpi

Kung kaya't ako'y bumulong sa hangin na sana'y malaman mong

Susumpa sa mga tala, ikaw lang ang sinta
Susubukang maniwala na may pag-asa pa
'Pagkat 'di ko maiwasang humiling sa kalawakan
Na ako'y maging sa'yo kahit Pitong Segundo lamang

Ha!
Ako'y nabihag ng mga salita mong pabango
Binabalot ngayon ng aking lihim na pagsamo
Dadalhin ang lahat ng mga nadarama sa'yo
Sa'king nilikhang awiting tulad lang nito

Kung kaya't ito'y aaminin na lamang sa liham na nagsasabing

Susumpa sa mga tala, ikaw lang ang sinta
Susubukang maniwala na may pag-asa pa
'Pagkat 'di ko maiwasang humiling sa kalawakan
Na ako'y maging sa'yo
Nakatitig sa larawan na ikaw ang laman
Hindi ko makulayan 'tong nararamdaman
Bakit ba naiisip hanggang sa panaginip
Na ako'y maging sa'yo kahit Pitong Segundo lamang
Oh

Bakit ba kasi hindi ako?
Ang piliin mo dito sa mundo
Na puno lang ng gulo
Bakit ba kasi hindi ako?
Aawitan ka, susulatan pa ng kanta
'Di tulad niya
Haha

Susumpa sa mga tala, ikaw lang ang sinta
Susubukang maniwala na may pag-asa pa
'Pagkat 'di ko maiwasang humiling sa kalawakan
Na ako'y maging sa'yo
Nakatitig sa larawan na ikaw ang laman
Hindi ko makulayan 'tong nararamdaman
Bakit ba naiisip hanggang sa panaginip
Na ako'y maging sa'yo kahit Pitong Segundo lamang

Oo, Pitong Segundo lamang
P'wede bang maging sa'yo? Oh
P'wede bang maging sa'yo?
P'wede bang maging sa'yo? Oh yeah



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link