Ako'y Nakahinga - Sgtripped Down Version

Ah ah ah
"Aabante o hihinto?" 'Yan ang aking tanong noon
Natatakot na mabigo sa ikatlong pagkakataon
Binibilang ang nahuhulog na mabayang dahon
Hinihintay na maiba ang ihip ng panahon

Ngunit isang iglap, bigla lang bumaba
Mula sa langit, ang sinagtala

Nung tinugon ni Bathala
Ang mga awit at aking tula
Tumigil ang pangangamba
Nabuhay ang tala na nag-iisa
Tumalon ako sa gitna ng dagat
Doon ako'y nakahinga

Nagliliwanag na ang daan, sa tanglaw na bigay ng ligaya
Ang kuwento'y ating hinahagkan, tunay ngang nais na tumaya
Unti-unting bumabalik ang kulay na nabura
Nasindihan nang muli ang dating kandilang naupos na

Dahil isang iglap, bigla nang bumaba
Mula sa langit, ang sinagtala

Nung tinugon ni Bathala
Ang mga awit at aking tula
Tumigil ang pangangamba
Nabuhay ang tala na nag-iisa
Tumalon ako sa gitna ng dagat
Doon ako'y nakahinga

Anong hiraya ang aking naramdaman
Nung ika'y sinayaw na
Anong hiwaga ang aking naramdaman
Nung ika'y akin na

Liwanag ang natagpuan sa'yo
Banaag ng araw ang hatid ng tulad mo
Liwanag, banaag ng araw
Liwanag, banaag ng araw

Nung tinugon ni Bathala
Ang mga awit at aking tula
Tumigil ang pangangamba
Nabuhay ang tala na nag-iisa
Tumalon ako sa gitna ng dagat
Doon ako'y nakahinga
Sa'yo ako'y nakahinga, ah
Sa'yo ako'y nakahinga, ah
Sa'yo ako'y nakahinga



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link