Panibagong Yugto

Lahat ng awitin na tumutugtog sa radyo'y tungkol sa'yo
Hindi namamalayan na ako'y sumasabay sa himig nito
Bitbit ang gitara at hiraya ng ating kuwento
Nabuo ang tula nung ang tala ay biglang yumuko

Hayaang malunod sa karagatang tinalon
Hanggang sa agusin ng alon sa dako paroon
'Wag kang mangamba
'Pagkat ako ang iyong kasangga
Sa Panibagong Yugto

Unti-unting nakita na hindi pala buo ang bilog na buwan
Kinain ng takot ang ligayang ating nararamdaman
Isang himala na sa himig mo ako'y tumahan
Kukulayan ang mundo ng aking tahanan

Hayaang malunod sa karagatang tinalon
Hanggang sa agusin ng alon sa dako paroon
'Wag kang mangamba
'Pagkat ako ang iyong kasangga
Sa Panibagong Yugto

Napupuno ng agam-agam sa aking bawat hakbang
Lulan ng pangamba ang dagat na inaagos sa pampang
Ngunit ang sabi ko ay hindi na aatras pa sa laban
'Wag nang lumisan pa sa ating binubuong tagpuan

Hahanguin ang tala at ihahandog sa'king sinta

Hayaang malunod sa karagatang tinalon
Hanggang sa agusin ng alon sa dako paroon
'Wag kang mangamba
'Pagkat ako ang iyong kasangga
Hayaang malunod sa karagatang tinalon
Hanggang sa agusin ng alon sa dako paroon
Sa'yo'y susumpa
Na ako ang makakasama
Sa Panibagong Yugto

Sa'yo'y susumpa
Ipinagpanata kita
Sa'yo'y susumpa
Ipinagpanata kita
Ipinagpanata kita



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link