Alpas

Kasing tingkad ng gabi ang 'yong mga mata
Suot ang iyong salamin at ika'y tumatawa
Daig mo pa ang mga palamuti sa paligid
Sa kislap at ilaw nito, ikaw ay nakamasid

'Di ko maipinta 'tong nararamdaman
Ako ay natutulala
Ang nais kong magawa, ikaw ay malapitan
At sa'yo ay sabihin na

Mag-Alpas tayong dalawa
Wala nang ibang pipigil, hahadlang
Mag-Alpas tayong dalawa
'Wag kang mangamba, ang puso mo'y hahagkan
Tayo'y mag-Alpas

Kasabay ng tibok ng dibdib ang indak ng musika
Ang hiling nito ay mapansin ang munting nagwawala
Umiikot ang samyo ng pag-asa sa himpapawid
Pagkanarahuyo sa'yo ang tangi nitong hatid

'Di ko maipinta 'tong nararamdaman
Ako ay natutulala
Ang nais kong magawa, ikaw ay malapitan
At sa'yo ay sabihin na

Mag-Alpas tayong dalawa
Wala nang ibang pipigil, hahadlang
Mag-Alpas tayong dalawa
'Wag kang mangamba, ang puso mo'y hahagkan
Tayo'y mag-Alpas

Oh
Nung ating mga mata'y nagtagpo
Oras ay biglang huminto
Oh, anong mahika
Ika'y humakbang pasulong
Panibagong yugto
Ang taging bunga nito
Nung ako'y dinala mo sa gitna ng pasilyo
At binanggit mong

Mag-Alpas tayong dalawa
Dito sa istoryang, ikaw at ako ang tanging laman
Mag-Alpas tayong dalawa
Sa lilim ng tulang magniningnig kailanman
Tayo'y mag-Alpas

Sa'yo'y sasama
Tayo'y mag-Alpas
Sa'yo'y sasama
Tayo'y mag-Alpas

Kasing tingkad ng gabi ang 'yong mga mata
Suot ang iyong salamin at ika'y tumatawa



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link