Gatas at Asukal

Tuloy-tuloy ang halo
Ng kutsara sa loob ng tasa na bilog

Sige, tapangan mo lang sa tasa na malaki
Magpakulo sa kalan, ang magulo, tumabi
Para 'di mabanlian ang balat na makati
Papalag kahit mainit na tubig lang at kape

Sige, tapangan mo lang sa tasa na malaki
Magpakulo sa kalan, ang magulo, tumabi
Para 'di mabanlian ang balat na makati
Papalag kahit mainit na tubig lang at kape

Ako si Aristotle, makatang taga-Rizal
'Pag may lapis at papel, tawagin mong kriminal
Kasi 'di puwede ang talas na tangan 'pag karibal
Tuwing makikipagtalastasan ay tila animal

'Di mahilig sa pasiklaban, ang pakay lamang ay
Palawigin ang kasipagan upang makasabay
Sa mga bago, humango, patong, puwedeng tumangay
Ang gamo-gamong napaso, 'wag ka lang pala-suway

Mas mahaba ang sungay ay mas madaling mababali
Kapag nagbibigay pugay ka, lagi mong mababawi
'Di na suweldo kundi karaniwan aking binali
Tagalog na naiintindihan kahit ano'ng lahi

Ang timpla ko ay sa akin lang, matapang, 'di matabang
Laging sigurado, garantisado, 'di malamang
Binalikat, pinasan, mabigat, 'di magaan
Kahit 'di abutan ng tinapay na may palaman

Sige, tapangan mo lang sa tasa na malaki (tuloy-tuloy ang halo)
Magpakulo sa kalan, ang magulo, tumabi
Para 'di mabanlian ang balat na makati (ng kutsara sa loob)
Papalag kahit mainit na tubig lang at kape (ng tasa na bilog)

Inutusan ni Nanay na bumili sa tindahan
Gatas at asukal, laruan na pinaglumaan
Nang lumaon, sa Maynila, ako ay napadaan
Isang batang mga tula ang dala niyang kayamanan

Kahit dehado, sa iba ako'y mukhang bagong salta
Kinabisado nang husto ang kakantahin na kanta
Peke na sapatos, damit ko na mayro'ng mantsa
Sa mga tingin na parang 'di ako matantsa

Nakapikit na tumawid, 'di baleng pabaliktad
Kahit maalikabok, alam ko na makintab
Ang pangarap na umaapoy, naglalagablab
Ang basa ko sa pangmamata ay nakakadagdag

Ang timpla ko ay sa akin lang, matapang, 'di matabang
Laging sigurado, garantisado, 'di malamang
Binalikat, pinasan, mabigat, 'di magaan
Kahit 'di abutan ng tinapay na may palaman

Sige, tapangan mo lang sa tasa na malaki
Magpakulo sa kalan, ang magulo, tumabi
Para 'di mabanlian ang balat na makati
Papalag kahit mainit na tubig lang at kape

Sige, tapangan mo lang sa tasa na malaki (tuloy-tuloy ang halo)
Magpakulo sa kalan, ang magulo, tumabi
Para 'di mabanlian ang balat na makati (ng kutsara sa loob)
Papalag kahit mainit na tubig lang at kape (ng tasa na bilog)

Tuloy-tuloy ang halo
Ng kutsara sa loob ng tasa na bilog

Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link