Utang Clan

Utang ay utang, kusang lumutang
'Wag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan nakalimutan
Medyo magulang, bakit ka nagtatago?

Utang ay utang, kusang lumutang
'Wag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan nakalimutan
Medyo magulang, palagi na lang bigo

Makinig sa kuwento, 'di 'to inimbento
Nangyayari sa buhay, depende sa porsiyento
Na kasali, madaming nadali, iisang finale
Puwedeng ale, lalaki, may-ari, lahat ay kasali
Walang pinapatawad 'pag alam na matulungin ka
Lalatagan ka na lang ng pain, tutuhugin ka
Totropahin, bobolahin, laging pupurihin ka
Mabubulaklak na mga salita, pupunuin ka

Tapos biglang may magkakasakit, sa 'yo unang kakalabit
Panay-panay ang bili ng bagong sapatos at damit
"Teka lang, kailan mo nga ako babayaran ulit?"
Biglang kakaripas ng takbo na pinakamalupit
'Di mo na makita kahit sa kanila
Pero panay ang post na siya palagi ang pabida
Puro lang salida, tila wala namang bisa
Parang takong 'di natisa, malakas pero mahina, hoy!

Utang ay utang, kusang lumutang
'Wag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan nakalimutan
Medyo magulang, bakit ka nagtatago?

Utang ay utang, kusang lumutang
'Wag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan nakalimutan
Medyo magulang, palagi na lang bigo

Bakit ka ganiyan? Sana'y hiningi mo na lamang
'Kala ko'y kakampi ka, 'yon pala ay kalaban
Tinulungan ka na nga, ako pa'ng sinangkalan
Bibitawan, iiwanan, at agad na tatapakan
Tapos 'pag kaharap ay tila ikaw pa ang nalugi
Puwede sa iba pero hindi sa 'yo ang sisi
Kahit anong haba ay mauubos ang pisi
Mahirap ang magtimpi, parang pinipigil na ihi

'Wag mong sisirain ang sarili mo sa pangako
Na hindi mo kaya na tuparin at mapapako
Mga baga sa apoy na sadyang nakakapaso
Ang ganiyang ugali, baka sakali ay itago
'Wag nang ilabas at nang hindi na pamarisan
Kahit na maligo pa ng alahas at bihisan
Dahil sa pag-iwas, panalo ka sa pabilisan
Kailan ma'y 'di mo ikayayaman 'yan, kaibigan

Utang ay utang, kusang lumutang
'Wag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan nakalimutan
Medyo magulang, bakit ka nagtatago?

Utang ay utang, kusang lumutang
'Wag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan nakalimutan
Medyo magulang, palagi na lang bigo

Utang ay utang, kusang lumutang
'Wag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan nakalimutan
Medyo magulang, bakit ka nagtatago?

Utang ay utang, kusang lumutang
'Wag kang magulang, dapat 'di kulang
Kahit hulugan nakalimutan
Medyo magulang, palagi na lang bigo

Kapag umutang ka ay hindi lamang pera ang inutang mo
Nangutang ka rin ng hiya, respeto, at pakikisama
Depende na lang 'yan kung maibabalik mo nang buo



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link