Alimpungatan
Ayaw ko nang gumising pa
'Di mo alam kung ga'no ako kasaya ngayon
Kung alam mo lang, ikaw ang langit ko magmula noon
Dito na lang, ika'y pupuntahan, sa'n man naroon
Dahil ito lang ang pangarap ko na natupad
Maliwanag ang sikat ng araw
Kulay asul ang langit
Sino ma'y walang makakaagaw
Iyong mga kamay ang kapit
Kahit ulanin man o umaraw
Kapag malayo ay lalapit
Dibdib ko'y nag-uumapaw
Kayakap ka, 'yan ang sagot sa "bakit," pero
Hindi mo alam kung ga'no ako kasaya ngayon

'Pagkat ngayo'y kapiling ka
Ayaw ko nang gumising pa
Kapag ika'y kayakap na
Dampi ng 'yong balat, init tuwing nasa 'king tabi
Madilim ma'y maaaninag mo ang aking ngiti
Halakhak ng tibok ng puso kong nakakabingi
Kaligayahang dala mo na hindi nabibili
Bukal ng labi mo lamang ang tanging makakapukaw
Kahit magunaw, natutunaw, lumulusaw ng uhaw
Ang halimuyak ng bulaklak mo, kahit walang pabango
Hinahanap-hanap ko pagkalasing sa alak mo
Kung alam mo lang ang siyang nararamdaman ko
Kapag ako'y tinititigan nitong mga mata mo
Walang lugar ang gustong puntahan, sa piling mo lamang
Malayo man o malapit, kahit ano pa'ng iharang
Lahat ay kakayanin, bubuhatin, sa 'kin iatang
Ikaw ang ikinakatakot at hugutan ng tapang
Sa mga bisig ko ay iingatan, dito ka lang
Kahit ano pa'ng bumangga, harap man o paharang
Mahulog man sa bangin ang kotseng sinasakyan natin
Galing Banaue, hinahawi, dumadagan na buhangin
Hindi ako mumulat, ilang beses man na tawagin
'Di bibitawan ang pangako na simumpaan natin
Ako lamang mag-isa naisalba, walang iba
Bakit pa? Iiwan ka rin naman pala nila
Ayaw ko nang gumising pa, alam ko na wala ka na
Ayaw ko nang gumising pa sa katotohanan na...

Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.