Puyat

Kahapon pa ako kumain
Medyo gutom na talaga
Sikmura na puno ng hangin
Kaya 'wag kang magtataka
Kung may maamoy kang hindi kanais-nais
Matrapik lang dito sa Magallanes

Nanggaling pa kami sa Bicol
Kantahang todo ang saya
Tapos sobrang dami ng people (people, people)
Umaga na nang sumampa
Wala nang pahinga, maaga pa ang biyahe bukas
Sumusuray na, unan at kama lang ang lunas

Dapat wala kang masasabi, hataw lang palagi
Lahat sasalangan ko
Pero 'di na tulad ng dati, sana makabawi
Tulog ang kailangan ko

Sagad-sagaran ang deskarte, laban lang palagi
Lahat lalapatan ko
Kahit ga'no pa kasuwabe, pass ako diyan, pare
'Di 'yan ang kailangan ko

Gising, bangon, bangon

Bumangon nang maaga, alas-singko ang lipad
Paglapag ng Dumaguete, sound check kaagad
Sa larangan na ito, bawal ang tatamad-tamad
Kahit na saan, umulan man o mabilad
Hindi makatulog kasi hindi ka makahiga
Para kang bimpo na binasa tapos ay piniga
Sinampay at naghihintay, sana magawa
Nakatulala, baka may bumaba na himala (himala)

Sa haba ng dumaang panahon
Hanggang ngayon, magmula noon
Ito lamang ang siyang hiniling
Bakit bigla kang nagtatanong?
Ang dami-daming dapat masagot
'Wag kang mainip, bawal mabagot
Kapag binitawan at 'yong iniwanan
Ay may iba na makadadampot

Wala nang pahinga, maaga pa ang biyahe bukas
Sumusuray na, unan at kama lang ang lunas

Dapat wala kang masasabi, hataw lang palagi
Lahat sasalangan ko
Pero 'di na tulad ng dati, sana makabawi
Tulog ang kailangan ko

Sagad-sagaran ang deskarte, laban lang palagi
Lahat lalapatan ko
Kahit ga'no pa kasuwabe, pass ako diyan, pare
'Di 'yan ang kailangan ko



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link