Tatlong Taon

1995

Sana'y maibigan mo'ng pasalubong ko
Na aking dala mula sa malayo
Alam kong kay tagal mo nang hinihiling ito
Pasensiya ka na kasi nag-ipon pa 'ko
Bigay ko 'yan sa 'yo, sana'y malaman mo
Na lagi kang laman ng isip at puso ko
Dahil wala ako, ang makakaya ko lamang
Ay punuin ng pagmamahal ang kahon na ito

1996

Bagong sapatos na Nike para kay Joey
Pandalagang pabango na ibinilin ni Corie
Robot na nagiging kotse sa bunso ko na pogi
Nakalimutan ko 'yong wallet ni Tita, teka, sorry
'Yong tsokolate at sabon na lamang, bawi ako
Sa susunod na bagahe, sana'y mapadala ko
Kung mayro'n pa kayong gusto, sabihan niyo lang ako
Ibibigay ko palagi, basta't sumuweldo ako

Ang kumot na makapal para sa higaan ni Tatay
Malambot na mga tuwalya na para kay Nanay
May nakaipit na panyo, ingatan, pakialalay
Baka mahulog 'yong singsing at hikaw, sana bumagay
'Pag kapos kayo minsan ay puwede niyong isangla
'Di man gano'n kalaki, puwede na rin kaysa wala
May mga larawan akong sinama sa bandang baba
Lagi akong nakatawa para 'di mahalata ang lungkot ko dito

Sana'y maibigan mo'ng pasalubong ko
Na aking dala mula sa malayo
Alam kong kay tagal mo nang hinihiling ito
Pasensiya ka na kasi nag-ipon pa 'ko
Bigay ko 'yan sa 'yo, sana'y malaman mo
Na lagi kang laman ng isip at puso ko
Dahil wala ako, ang makakaya ko lamang
Ay punuin ng pagmamahal ang kahon na ito

1997

Alam kong natagalan, 'kala ko hindi na nga darating
Ang galing, parang isang himala
Nasa tapat na ng pintuan ako'y ibinaba
Ngiti na 'di matatawarang kasabay ng tuwa
Agad na binuksan ang yupi-yupi kong kahon
"Dali na, bilisan," sinisigaw pero bulong
'Di na 'ko makahinga sa dinami-dami nitong
Nilagay ng nagpadala na kung tawagin ay Long

Lahat ng kita nilaan, ang siyang matitira pa
Ay ipinangbibili ng pasalubong nila
Mapagbigyan lang ang hiling ay nakakota na siya
Wala para sa sarili, ito ay sa kanila
Ganiyan sila doon, tumataya ng luha at hirap
Ako ay kahong naglalaman ng sipag at sikap
Kalakip ng litrato ay may nakatuping sulat
Pinadala na niya lahat, dahil hindi na mumulat

Mga mata ni Long, pilit mang tinatanong
Maraming ganitong kuwento, 'di 'to nagkataon
Parang patibong kasi magpahanggang ngayon
May pasalubong o sinasalubong na kahon

Sana'y maibigan mo'ng pasalubong ko
Na aking dala mula sa malayo
Alam kong kay tagal mo nang hinihiling ito
Pasensiya ka na kasi nag-ipon pa 'ko (1998)
Bigay ko 'yan sa 'yo, sana'y malaman mo
Na lagi kang laman ng isip at puso ko
Dahil wala ako, ang makakaya ko lamang
Ay punuin ng pagmamahal ang kahon na ito

Sana'y naibigan mo'ng pasalubong ko
Pasensiya ka na



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link