Patay na si Uto

Ang puso ko'y nalinlang, at 'di ko na mabilang
Kung ilang ulit mo nang pinaglaruan
Ang damdamin ko, bigla na lang iniwan mo
Kung muli kang babalik, mukha mo

Hindi mo na maloloko, sinira ang tiwala ko
Hindi mo na mabibilog ang ulo ko
Hindi mo na masasaktan, hindi ka na pagbibigyan
Lokohin mo ang lelang mo, patay na si Uto

Ubos na ang pasensiya, 'wag ka nang humirit pa
Ayoko nang makita ang kapal ng 'yong mukha
Pagkatapos mong ipagpalit sa iba
Ngayon ay bumabalik, ayoko na

Hindi mo na maloloko, sinira ang tiwala ko
Hindi mo na mabibilog ang ulo ko
Hindi mo na masasaktan, hindi ka na pagbibigyan
Lokohin mo ang lelang mo, patay na si Uto

Ooh, ooh-ooh
Ooh-ooh

'Di na 'ko uto-uto na paulit-ulit na pinapaikot mo
'Di na ako uto-uto na sinasaktan mo lang
Sa kabila ng katapatan ko sa 'yo

Hindi mo na maloloko, sinira ang tiwala ko
Hindi mo na mabibilog ang ulo ko
Hindi mo na masasaktan, hindi ka na pagbibigyan
Lokohin mo ang lelang mo, patay na si Uto

(Hindi mo na maloloko, sinira ang tiwala ko) oh, whoa
(Lokohin mo ang lelang mo) oh-whoa, patay na si Uto



Credits
Writer(s): Oliver Narag
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link