Harana

Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago, nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba?

Mayro'n pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nar'yan pa ang barkadang nakaporma't nakabarong
Sa awit na daig pang minus one at sing along

Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin, ako'y nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito, sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sa 'yo

Hindi ba't parang isang sine?
Isang pelikulang romantiko
At 'di ba't ikaw ang bidang artista at ako ang 'yong leading man
Sa istoryang nagwawakas sa pag-ibig na wagas?

Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin, ako'y nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito, sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sa 'yo



Credits
Writer(s): Yaptanco Eric
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link