Banal Na Aso

Kaharap ko sa jeep ang isang ale
Nagrorosaryo, mata n'ya'y nakapikit
Pumara sa may kumbento
"Sa babaan lang po", sabi ng tsuper "kase may nanghuhuli"
Mura pa rin nang mura ang ale!

Banal na aso, santong kabayo
Natatawa ako, hi, hi-hi-hi, hi-hi
Banal na aso, santong kabayo
Natatawa ako, hi-hi-hi-hi, hi-hi-hi

Nangangaral sa kalye ang isang lalake
Hining'an ng pera ng batang pulubi
"Pasensya na, para daw sa templo"
"Pangkain lang po", sabi ng paslit "talaga bang 'di pu-puwede?"
Lumipat ng puwesto ang lalake! (Ah, buwiset)

Banal na aso, santong kabayo
Natatawa ako
Banal na aso, santong kabayo
Natatawa ako
Sa 'yo
Sa 'yo

Ano man ang 'yong ginagawa sa iyong kapatid
Ay s'ya ring ginagawa mo sa akin
Ano man ang 'yong ginagawa sa iyong kapatid
Ay s'ya ring ginagawa mo sa akin

Banal na aso, santong kabayo
Natatawa ako
Banal na aso, santong kabayo
Natatawa ako

Banal na aso, santong kabayo (santo, santo)
Natatawa ako (kuya, wala, wala, wala, wala, wala, hoy)
Banal na aso, santong kabayo (tumawa naman kayo)
Natatawa ako (one, two, three)

Banal na aso, santong kabayo
Banal na aso, santong kabayo
Banal na aso, santong kabayo

Sige, makakarma ka rin
Sige, gawin mo
Pa-santo, santo
Santong kabayo (banal na aso)
Nye, nye, nye, nye (santong kabayo)
Makakarma ka, sige ka, sige ka
Bahala ka sa buhay mo



Credits
Writer(s): Eric Gancio, Dong Abay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link