Kisapmata

Nitong umaga lang, pagkalambing-lambing
Ng 'yong mga matang hayop kung tumingin
Nitong umaga lang, pagkagaling-galing
Ng 'yong sumpang walang aawat sa atin

Oh, kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo, sinta
Daig mo pa'ng isang kisapmata
Kanina'y nar'yan lang, oh, ba't bigla namang nawala?
Daig mo pa'ng isang kisapmata, ah-ah

Kani-kanina lang (kani-kanina lang), pagkaganda-ganda (pagkaganda-ganda)
Ng pagkasabi mong sana'y tayo na nga
Kani-kanina lang, pagkasaya-saya (pagkasaya-saya)
Ng buhay kong bigla na lamang nag-iba

Oh, kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo, sinta
Daig mo pa'ng isang kisapmata
Kanina'y nar'yan lang, oh, ba't bigla namang nawala?
Daig mo pa'ng isang kisapmata, ah-ah

Kisapmata, isang kisapmata

Nitong umaga lang, pagkalambing-lambing (kisapmata)
Nitong umaga lang (nitong umaga lang), pagkagaling-galing
Kani-kanina lang (kisapmata), pagkaganda-ganda (pagkaganda-ganda)
Kani-kanina lang (kisapmata), pagkasaya-saya

Oh, kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo, sinta
Daig mo pa'ng isang kisapmata
Kanina'y nar'yan lang, oh, ba't bigla namang nawala?
Daig mo pa'ng isang kisapmata, ah-ah

Ah-ah-ah, ah-ah-ah
Ah-ah-ah, ah-ah-ah
Ah-ah-ah, kisapmata



Credits
Writer(s): Rico Rene Blanco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link