Tag-Ulan

Minsan ika'y nag-iisa, walang makasama
'Di malaman saan tutungo
Naghahanap, nag-iisip kung sa'n babaling
Dito sa mundong mapaglaro

At t'wing ika'y nalulumbay, 'di makakita
Nais mo na may makasama
Sa 'yong lungkot, akala mo ika'y nag-iisa
Narito ako't kapiling ka

Kung nais mong ika'y lumuha
Ako'y makikinig sa bawat salita

Kapag umuulan, bumubuhos ang langit
Sa 'yong mga mata
Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha
Ngunit 'di ka nag-iisa, ah-ah

Kaibigan (kaibigan)
Kaibigan (kaibigan)

Kay rami nang mga tanong sa iyong isipan
Nais mo lamang ay malaman
Bakit nagkagano'n ang nangyari sa 'yong buhay?
Tanong mo man sa 'kin, 'di ko alam

Handa akong maging tanggulan (handa akong maging tanggulan)
Sa t'wing sasapit sa 'yo ang tag-ulan (sa 'yo ang tag-ulan)

Kapag umuulan, bumubuhos ang langit
Sa 'yong mga mata
Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha
Ngunit 'di ka nag-iisa, ah-ah

Ako'y naririto, naghihintay lamang sa 'yo
Tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo, kaibigan

Kaibigan
Kaibigan

Kapag umuulan, bumubuhos ang langit
Sa 'yong mga mata
Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha
Ngunit 'di ka nag-iisa

Kapag umuulan, bumubuhos ang langit
Sa 'yong mga mata
Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha
Ngunit 'di ka nag-iisa

Kapag umuulan
Kapag mayro'ng unos
Kapag umuulan
Kapag mayro'ng unos

Kaibigan (kaibigan)
Kaibigan



Credits
Writer(s): Wency Cornejo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link