Magasin

Kitang-kita kita sa isang magazine
Dilaw ang 'yong suot at ang buhok mo'y green
Isang tindahan sa may Baclaran
Napatingin, natulala sa iyong kagandahan

Naaalala mo pa ba no'ng tayo pang dal'wa?
'Di ko inakalang sisikat ka
Tinawanan pa kita, tinawag mo 'kong "Walang hiya"
Eh, medyo pangit ka pa no'n, ngunit ngayon, uy!

Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin
Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh, oh, oh
Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong pera na pambili
Pambili sa mukha mong maganda

Siguro ay may kotse ka na ngayon
Rumarampa sa entablado, damit mo'y gawa ni Rajo
Siguro ay malapit ka nang sumali
Sa Supermodel of the Whole Wide Universe, kasi

Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin
Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh, oh, oh
Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong pera, hey

Kitang-kita kita sa isang magazine
At sa sobrang gulat ay 'di ko napansin
Bastos pala ang pamagat, dali-daliang binuklat
At ako'y namulat sa hubad na katotohanan

Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin
Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh, oh, oh
Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong perang pambili
Ah, pambili sa mukha mong maganda

Nasa'n ka na kaya? Ikaw ba'y masaya?
At sana sa susunod na isyu ay centerfold ka na

Mahirap talagang magmahal ng Supermodel
Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh, oh, oh
Iba na, iba na, iba na
Centerfold ka na



Credits
Writer(s): Buendia Ely Eleandre
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link