Karaniwang Tao

Ako po'y karaniwang tao lamang
Kayod-kabayo, 'yan ang alam
Karaniwang hanap-buhay, karaniwan ang problema
Pagkain, damit at tirahan

'Di ko kabisado 'yang siyensiya
Ako'y nalilito sa maraming salita
Alam ko lang na 'tong planeta, walang kapalit at dapat ingatan
Kapag nasira, sino ang kawawa?

Karaniwang tao, saan ka tatakbo
Kapag nawasak iisang mundo?
Karaniwang tao, ano'ng magagawa
Upang bantayan ang kalikasan?

Karaniwang bagay ay 'di pansin
Kapag naipon ay nagiging suliranin
Kaunting basura, ngayo'y bundok, kotseng sira'y umuusok
Sabong panlaba'y pumapatay sa ilog

May lason na galing sa industriya
Ibinubuga ng mga pabrika
Ngunit 'di lamang higante ang nagkakalat ng dumi
May kinalaman din ang tulad natin

Karaniwang tao, saan ka tatakbo
Kapag nawasak iisang mundo?
Karaniwang tao, ano'ng magagawa
Upang bantayan ang kalikasan?

Karaniwang tao
Karaniwang tao
Karaniwang tao
Karaniwang tao

Karaniwang tao, saan ka tatakbo
Kapag nawasak iisang mundo?
Karaniwang tao, ano'ng magagawa
Upang bantayan ang kalikasan?

Karaniwang tao



Credits
Writer(s): Joey Ayala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link