Plantsadong Plano (feat. Mhot)

Kung hawak mo yung lutuan kamay handa dapat maulingan
Tenga'y kawali sa kwentong barbero, di to pagupitan
Di rin dada kung di dakdak lang dapat ang palupitan
Magbababad ako sa laro manlalamig salumpuwitan
Sungawin bawat butas kung may nagbabadyang panganib
Ang kalaban ng kalaban ay di kakampi, kung di sasanib
At kung sinong malapit sa oposisyon tiyak rin madadawit
Kahit hindi taga-Zamboanga madadaanan ang kalawit

Oras na ng pagtatakda, ito na ang kapanahunan
Inasam ng kay tagal ngayo'y pagasang mapanalunan
Ang walang ambag sa ulam di kasamang maghahapunan
Kahit di kadugo pwedeng maki-isa ito'y bahay ampunan
Sa pag pakyat ko ng tugatog ang sulo ay sinindihan
Pinaliwanag kong maigi para mas maintindihan
Mananatili sa baba, punong di madidiligan
Pag-naabot mo ang tuktok dun ka lang kabibiliban

Pinakinggan bawat kabig ng dibdib
Ngayon sinulat ko lahat at itutulak ng bibig
Pinakinggan bawat kabig ng dibdib
Ngayon sinulat ko lahat at itutulak ng bibig

Ako ang bagong sugo, durog lahat at minamani
Obra kong niluluto matapos lang, ako'y ginagabi
Masasamang hinanakit dito ko ri n ginaganti
Bukod sa asawa ko musika lang ang tanging nilalandi
Sobrang plantsado ng plano walang mahipong lukot
Walang rin makitang baluktot, di natutong magkumot
Tahimik lang itong dagat, pero pwede kang malunod
Mahahagip ng di namamalayan, ganun ako mandukot

At iilang araw narin ang aking inilaan
Sa istoryong binuod aking kinabibidahan
Ako ang direktor at aktor di nyo madidiktahan
Isasagad ko bawat stats at di ko lilimitahan
Kung masiraan man ako, eh anong paki ko?
Ang may hawak ng manibela ay syang ring me kaniko
Kabisado bawat ruta at lahat ng paliko
Hindi nabigong maghanda kaya hindi handa tong mabigo

Pinakinggan bawat kabig ng dibdib
Ngayon sinulat ko lahat at itutulak ng bibig
Pinakinggan bawat kabig ng dibdib
Ngayon sinulat ko lahat at itutulak ng bibig

Gimik o sulatan, sikskan, tulakan
Sa karera; nagsisikap, nagsisipag-unahan
Anuman ang naging plano, binuno sa puyatan
Kung ang araw nga inabot, ano pang suntok sa buwan

Pinakita sa antas ang bilang ng ambag
Kalidad ang aking mas pinagtibay sapagkat
Tila gusaling matatag
Gaya ng ekspektasyong matataas
Mahirap tantsahin kung ilan din ang palapag
At mga parating pa

Sa araw na itinakda
Ilalathala ang akda
Pinaghirapan mga pyesa, kinailangan maghanda
Pagkat parang kaarawan lang din ang petsang nilagyan na ng tanda
kaya nananabik na

Sa mga bagong tinrabaho, tumagal sa kakalinang
Magarbong nilikha 'to, dekorado mga rima
Di yung basta madalian
Sa markadong kalendaryo, sulatan ko ay may bilang

Di to basta madalian
Sa markadong kalendaryo, sulatan ko ay may bilang

Mapa-musika o gera, nanatili pa ring tunay
Naging magkapareha ang ugali pati husay
Kumamig man ng pera at ilang mithi sa buhay
Parang escalera, 'di magpapalit ng kulay
Minsang natutunan, gano ba ko kadumi
O kaliit nung nasilungan ko ang payong kabute
Sadyang maputik ang landas na sinusuong pauwi
Mabuti na lang di ko sinubukang magputi

Natural ang enerhiya sa galawang di tinatamad
Sapagkat giyang na nga't tila batak
Sa kakasulat na ikinagagalak
Kung dumog ang ideya sa isipan, para ka na ring binabangag
Sinasagad lahat ng bawat bara na sinasaad,
Dama ko ang kumpyansa at pag-asa sa hinahangad
Kabig ng dibdib ay "magtamasa sa hinaharap"
Sa "tulak ng bibig" akma na "tama ang nilalahad"

Pinakinggan bawat kabig ng dibdib
Ngayon sinulat ko lahat at itutulak ng bibig
Pinakinggan bawat kabig ng dibdib
Ngayon sinulat ko lahat at itutulak ng bibig



Credits
Writer(s): Thomas Lynmuel Mayacyac
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link