Abono (feat. Kjah)

Sinong dapat angatan, sinong dapat lapagsan
Sinong dapat higitan, sinong dapat lamangan
Sarili lang (sarili) sarili lang (sarili)
Sinong dapat supilin, sinong dapat gapiin
Sinong dapat lupigin, Sinong dapat daigin
Sarili lang (sarili) sarili lang (sarili)

Sarili'y naturuan pag nagkulang mauubusan
Dugo't pawis, luha pati laway pinuhunan
Walang inuurungan, tigas na ng bumbunan
Parang batang nanguggulang, di umukol binukulan
Daan man natabunan, lubak ma'y nagsulputan
Gulong din nagputukan, lubos ang natutunan
Kaya di ko sinukuan, magdasal ay sinubukan
Hindi pwedeng litrato lang sa pitaka pinagkukunan

Parating pasulong
Di pwede paurong
Bawal ang pabulong
Dapat laging alulong
Parating pasulong
Di pwede paurong
Bawal ang pabulong
Dapat laging alulong

Nung tumawag kalikasan sinagot ko yung buhawi
Kamay kong bakal yung humati pati ang humawi
Kinongkreto bawat plano, pundasyon nitong gusali
Wag din maliitin mapupuwing ka sa buhangin
Wala parin daw tatalo sa isang alaskador
Pwes kung may bullying bubungo
Magsisilbi kong matador
Kahit sagad silinyador, di papabor ang iskor
I call the last shot mhmmmm emperador

Sinong dapat angatan, sinong dapat lapagsan
Sinong dapat higitan, sinong dapat lamangan
Sarili lang (sarili) sarili lang (sarili)
Sinong dapat supilin, sinong dapat gapiin
Sinong dapat lupigin, Sinong dapat daigin
Sarili lang (sarili) sarili lang (sarili)

Parating pasulong
Di pwede paurong
Bawal ang pabulong
Dapat laging alulong
Parating pasulong
Di pwede paurong
Bawal ang pabulong
Dapat laging alulong
Parating pasulong
Di pwede paurong
Bawal ang pabulong
Dapat laging alulong
Parating pasulong
Di pwede paurong
Bawal ang pabulong
Dapat laging alulong

San ako dadalhin? Nahumaling sa ning-ning
Mga idolong aking napapanood, palihim na hinahambing
Ilang pursyento ang tsansa sa'king inaasam na kontrata?
Para aking pirma, maging pamilyar na sa mga hindi ko kakilala
Ganyan ang unang rason kapag kumasa ka na maging kaisa
Hindi mahalaga anong nasa iyo, basta meron ka ng meron sila
Akala mo ay pasulong, paabante ang pagdadala
Kakapumilit na makasingit, di na naka alis sa pag uumpisa
Pagkat ang tamang hakbang, di ang makalipon ng mga simpatya
Kundi ang sindihan at pabagain ang sarili mong mitsa
Bilang tagahanga o taga pasunod di na malulunod sa pangangapa
Hagilapin mo ang paksa, higitan ang dati mong gatla
Tuldukan ang kompetensya, kesa magsayang ka ng pyesa, sa mga isa lang ang alam na tema, nataong tsumamba Rumekta ka sa merong kwenta, iskerda, wag puro prenda
Hindi habambuhay renta, wag makuntento bilang reserba
At ang sumatotal mo na haharapin ay wag mong aasahang sang-ayon sayo
Gano man kabilis ang masibang kabayo tiyak kakapusin pag wala nang damo
Ibig kong iparating, taas-noo ka sa nasa harap ng salamin
Yan ang lihim na angkin, bat walang kahambing ang kamao mula sa Camarin!

Sinong dapat angatan, sinong dapat lapagsan
Sinong dapat higitan, sinong dapat lamangan
Sarili lang (sarili) sarili lang (sarili)
Sinong dapat supilin, sinong dapat gapiin
Sinong dapat lupigin, Sinong dapat daigin
Sarili lang (sarili) sarili lang (sarili)

Parating pasulong
Di pwede paurong
Bawal ang pabulong
Dapat laging alulong
Parating pasulong
Di pwede paurong
Bawal ang pabulong
Dapat laging alulong
Parating pasulong
Di pwede paurong
Bawal ang pabulong
Dapat laging alulong
Parating pasulong
Di pwede paurong
Bawal ang pabulong
Dapat laging alulong



Credits
Writer(s): Daniel Jade Dionisio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link