Bumuga (feat. Pino G & Mike Kosa)

Hinding hindi maririnig na "wala lang yan"
Huwag mong isekreto ba't ka nagkakaganyan
Ako ay pader lagi lang masasandalan
Kahit akoy tibagin walang ibang makakaalam
Ng mga problema't hinanakit
Pag sumobra sa sakit masisiraan ng bait
Inumin mo lang kape kahit gaano kapait
Matapos mong lagukin may enerhiyang kapalit

Pahiram ng yong sapatos kahit di kasukat
Gusto lang malaman saan ba galing mga sugat
Kung masyadong mabigat sama ko pagbuhat
Sa layo ng pinagsamahan di lubos masukat
Di ba pare, binabali
Wala mo lang lahat da ti palage
Di na bali sagot parati
Pangakong ayos lang ako, hindi nabali

Oo ramdam kita, minsan hindi na maexplika, kaya wag na wag kang mahiya
Kung minsan kaylangan bumuga

Minsan gusto ng sumigaw
Minsan tila naliligaw
Oo ako din ay ikaw
Di ko kayang mag-isa, buti nalang may ikaw
Minsan gusto ng sumigaw
Minsan tila naliligaw
Oo ako din ay ikaw
Di ko kayang mag-isa, buti nalang may ikaw

Nakakulong Sa Apat na sulok na silid ng kwarto
Hawak hawak ang kwaderno at nakadikwatro
Inaalala ang katapusan Bago akatwro
Kailangan galingan bago tuluyan magkasalto
Kaibigan tunay ang ating turingan
Karamay mo kahit Sa gitna ng mga labanan
Mga payo ay dinig parin sa twing mag-aalangan
Kung kulang ay punan andito kot matatakbuhan

Kung Minsan meron pagtatalo na may halong tampo
Magkakilala ang mga bituka hanggang apdo
Kahit na dumating sa punto na magkakaganto
Sekreto koy serkreto mo pangkaingatan lang to
Hindii mo kailangan tumakbo sa twing naguguluhan
Panay ang tawa natin twing tayong gag uululan
Mga suliranin ay atin itong matutugunan
Basta walang iwanan

Oo ramdam kita, minsan hindi na maexplika, kaya wag na wag kang mahiya
Kung minsan kaylangan bumuga

Minsan gusto ng sumigaw
Minsan tila naliligaw
Oo ako din ay ikaw
Di ko kayang mag-isa, buti nalang may ikaw
Minsan gusto ng sumigaw
Minsan tila naliligaw
Oo ako din ay ikaw
Di ko kayang mag-isa, buti nalang may ikaw

Kung nasaan ka man ngayon
Basta nandito lang ako
Lahat tayo humahantong sa puntong kailangan ng akay at tulong
Di ka nag-iisa, sa tunay lang damang-dama kita
Kaya natin ito basta di tayo susuko
Sige lang may kasama kang susugod!

Minsan gusto ng sumigaw
Minsan tila naliligaw
Oo ako din ay ikaw
Di ko kayang mag-isa, buti nalang may ikaw
Minsan gusto ng sumigaw
Minsan tila naliligaw
Oo ako din ay ikaw
Di ko kayang mag-isa, buti nalang may ikaw



Credits
Writer(s): Gyran Mondejar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link