Dinamita (feat. A$tro, JP Bacallan & Rkidd)

Ngayon alam ko na, gagawin ko'ng totoo
Sinabuhay ko yung kwentong dapat lang rapper ako
Nakasama nagtanim, nadapa at nalungkot
Hindi pinagsisihan hindi ko binaluktot
Bagkus nilupitan, nag-isip ng paraan
Yung daan bako bako lalagyan ko ng hagdan
Ganyan ako magplano, di tumulad at tatambad na nandyan
Ako yung bagong makata, babaga pag napakinggan

Ito ba yun? Hinga na muna ng malalim
Trabaho lang kasi diyan nako kumakain
Malayo layo pa dapat ko'ng paghandaan
Salain yung kasama para medyo gumaan
Oo dadalhin ko yan, baon ko kahit saan
Hindi makakalimot aking pang babalikan
Kung may nawala boy, di yan kawalan
Nagawa namin lahat ng walang halong dayaan, Haha

Ilang beses mang napatid
Buhat lang hanggang mangawit
Irarasyon ang mga awit
Hangga't madinig ng buong mundo

Kahit maubusan ng laman ang pitaka ko
Aking kikilusan hangga't sa lumago
Eh ano kung di pakinggan, patuloy lang, aking hahakbangan
Aking kikilusan hangga't sumabog
Milyones ang gusto hindi kayo

Pinagtahitahing ideya, di gumamit ng gantsilyo
Handa ng pako't tabla, ipupukpok nalang martilyo
Asintado na ang premyo, daliri sa gatilyo
Di inasahang mabubuo, ipuputok ng binatilyo

Kapag ako kakabig lahat makikinabang
Mabibigyan bawat isa, kaliwa man o sa kanan
Pagkat malungkot matarik sa tuktok kung iikaw lamang
At kung madulas pababa mayroong salitang pinanghahawakan

Kahit may mabanggit, tenga ay magtakip
Kuloy sa pagabot hanggang iyong makamit
Kung tamang desisyon bunga'y malalapit
Kung magkamali man may aral na kalakip

Eenie meenie minie mo, mas pipiliin malito,
Di iisiping mahinto, kasi pare matik to
Dagdag kilos. bawas satsat. sagot matematiko
Patagilid, paabante, paurong man mateng mati to

Ilang beses mang napatid
Buhat lang hanggang mangawit
Irarasyon ang mga awit
Hangga't madinig ng buong mundo

Kahit maubusan ng laman ang pitaka ko
Aking kikilusan hangga't sa lumago
Eh ano kung di pakinggan, patuloy lang, aking hahakbangan
Aking kikilusan hangga't sumabog
Milyones ang gusto hindi kayo

Ramdam mo ang asenso, goal sa sentro mo pinwesto
Produktong inimbento tas kinalat ko sa metro
Iba iba na kwento, totoong engkwentro
Di nagtitiwala, kanya kanyang Innuendo

Walang brand saking name
Meron sa Damit
Ang hangad ko ay fame pagka't pitaka ay hapit na
Moderno aking fit, sabay disente saking feet
Tanging rep ko ang sarili at hindi pagpapalit

Trabaho ko pang-corpo, hinubog man sa Tondo
Parang nanalo sa lotto pag ako na ang nag-pondo
Sa sarili mas pinili ko na sumagad ng todo
Mga taong dating umiling ngayo'y mapapa "Oo"

Kinilabutan sa mga bagay, pinagplanuhan
Pinalibutan ng iba't ibang tao at natauhan
Na sa kapangyarihan bawal kang maging tau-tauhan
Mapapagod ring umani sa mga pinagpaguran

Kahit maubusan ng laman ang pitaka ko
Aking kikilusan hangga't sa lumago
Eh ano kung di pakinggan, patuloy lang, aking hahakbangan
Aking kikilusan hangga't sumabog
Milyones ang gusto hindi kayo

Milyones ang gusto hindi kayo
Milyones ang gusto hindi kayo



Credits
Writer(s): Michael Bryan Marcos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link