Maestro (feat. Yuridope)

Bakit ako mangangarap na sagad sa ulap lang?
Kung nakarating na nga sa buwan ang iilan
Magbubunga bawat araw kasi lahat yan bilang
Nakakalula ang layunin, di tanaw huling baitang
At ako'y magiibang anyo, parang magbabalat kayo
Buto't bala't ko'y lilipad kasi magbabanat ako
Uhaw sa tagumpay, kapit sa lubid, akoy maghahatak
Gutom sa karangalan, nahuli man akoy kakagat

Kita mo sakin galaw na hindi to dali dali
Malalaman mong maiigi ang pagkakayari
Natuto sa nakaraan, tumatak yung pangyayari
Nagbago nakagawian, akala mo nagpari, uh
Di na magambala ang higanteng to sa paghakbang
Di na pwede sapat lang, tagos dpat dapat pag diinan
Di nyo malilinlang kasi di na naglilibang
Mapanganib man sigi lang, kung malalalim ay sisid lang

Ang mga palad koy Bihira lang na magdikit
Di rin nakasanayan lumuhod ng nakapikit
Malimit tumingala minsan pa nga'y pilit
Tipid sa salita Parang sinturong naghigpit

Kahit kadalasan, kamalasan ang naranasan
Alam kong hawak nya parin pangguhit ng kapalaran
Inatras nya ng bahagya nang makabwelo sa pag talon
Lukso ng pananampalataya, heto nang pagkakataon

Sabi sabi nga ng madami!
Walang mangyayare
Kung puro amba ka lang pare
At walang pag atake!
Sa mga sugat manggagaling
Yung kukumpara mo sa dati't
Dun sa kung ano ka man maging
Bukas, tandaan mo to!

Mabuti nang subok ng subok
Nang sa ganon ay nahuhubog
Kung magkagalos dahil sa pagkahulog
O makatapak ka man ng mga bubog
Ay ulit ulitin
Hanggang makalapit sa rurok
O pwede ka rin manatili nalang, dun sa sulok, matulog!
Ikaw! yung limitado mo na oras? san mo gusto na maubos?

Panay hindi lang malamang tugon na mapapakinggan!
Matabang nalang tiyak talagang tignan,kung pati sarili laging pipigilan,
At kung mahindian ka minsan, sa susunod mas galingan nalang lalo't diinan
Ang apak sa gasolina, hanggang sa maging matibay na't hirap matinag

Ganyan ang agos ng buhay! pagka di pangkaraniwan
Lalo kung iniiwasan mo na maging taong pangkawanian
Isa sa pinakasolusyon dyan ang nadadamang takot ay pagpaliban
Bukas makalawa, pagka nakawala dyan ay tila ka pinakamakapangyarihan



Credits
Writer(s): Elvin Santos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link