Samin Lang Naman (feat. Jray, Apoc the Death Architect & Ernest)

Ito'y samin lang naman
Pwede rin dagdag kaalaman

Bumabagabag ang tanong
Nais kong maipamalas
Kung ano ba ang baong
Sagot sa pagiging patas
Pag mayaman ka sipsip sila
Mistulan ng inahas
Pag mahirap ka tingin nila ay panget ang dinanas
Napasilip gang nakita mga tao na nagsisi-gasig
Na bumida at palaging namimilit
Nanatili sa pag husga ng ehemplo na napili
Respeto daw wala namang respeto sa sarili

Sa pag gising kaen tulog
Naidulot ay bangungot
At ang punot dulo ay pugot na ulo lang nagpahintulot
Mamaya nyan mamayaman
Hangad manlamang handang mang api
Kada halalan naglalabanan
Yung naglalaban ay magka-kampi
Tinanggap ang pagpanggap doon sila
Naka kahon kasi hindi lahat ng naghugas kamayay nagsabon
Bawat adhikain nila malikhain sa paghain ng pagkain pag palarin ay wala rin na maamin
Kung san galing yan ay sakin lang naman

Sakin lang may tama o mali ba?
Pag mayroon bang malisya, mali na?

Samin lang samin, Samin lang
(yun ay samin lang naman)
Samin lang samin, Samin lang
(yun ay samin lang naman)
Samin lang samin, Samin lang
(yun ay samin lang naman)
Samin lang samin, Samin lang
(yun ay samin lang naman)

Mga lalaki manloloko mga yan
Mga babae bano sa sasakyan
Pag tattoo-an kriminal yan malamang
At mga rapper puro pera ang alam
Kasi ang dami diyan dila na matabil
Mabilis na ipinta imahe mo sa papel
Pero ingat sa paghusga mga sir
Pagkat tinutukoy nyo ang sarili nyong karakter

Repleksyon ang yong pagkakasala din
Huwag ng tangkain ito rin ay salarin
May kwento bawat isa bat di mo alamin
Kapatid tumingin ka sa likod ng salamin
Para mabuksan ang isipan na sarado
At para makita mo sa bagong lente na mas klaro
Pagkat yan ang dahilan bakit di tayo nag babago
Pantayin ang pagtingin para maging makatao

Sakin lang naman, malaman ang kabalatan
Kung bakit ang nakakaraming tiyan, di nagkakalaman
Ni walang mapalamanan, pumapayat ang kalamnan
Habang bulsa niyoy nagsitabaan? tawag diyan! kawatan
Ganun parin kalakaran
Kailan ba ang kabayaran?
Puro kababaglaghan
Sukduluan ang kasaaman
Kailangan ng mahadlangan
Pakiusap pamayanan
Tigil kahangalan! sa ganyang pamahalaan!

Daming kaguluhan, rinig bulong bulungan
ng mga walang kahulugan tunog dunong dunungan
Imbis na taumbayan sarili pinag tutuunan
Barang bara na lalamunan di pa ba nabubulunan
Gayun pa man, huwag pairalin kaduwagan
Kahit hindi ka kumibo, pwede kang akusahan
Anu pa man, alamin buong kasukatan
Bawat panig ay silipin kung may katunayan

Samin lang samin, Samin lang
(yun ay samin lang naman)
Samin lang samin, Samin lang
(yun ay samin lang naman)
Samin lang samin, Samin lang
(yun ay samin lang naman)
Samin lang samin, Samin lang
(yun ay samin lang naman)



Credits
Writer(s): Ernest Macaspac
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link